Pormal na nilagdaan ng San Fabian Municipal Police Station (MPS) at ng pamunuan ng Ambalangan-Dalin National High School ang isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Hulyo 30, 2026 upang higit pang palakasin ang kampanya laban sa bullying, ilegal na droga, at kriminalidad sa loob ng paaralan.
Isinagawa ang MOA signing sa Ambalangan-Dalin National High School sa Barangay Ambalangan-Dalin bilang bahagi ng pagpapatupad ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN Program na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng pulisya, paaralan, at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang San Fabian MPS at ang paaralan ng magkatuwang na programa at mga information campaign laban sa bullying at paggamit ng ilegal na droga alinsunod sa Republic Act No. 9165.
Kabilang din sa kanilang pagtutulungan ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa loob at paligid ng paaralan.
Layunin ng kasunduang ito na pagtibayin ang pakikipagtulungan ng pulisya, mga administrador ng paaralan, guro, magulang, at mga mag-aaral upang maprotektahan ang kabataan laban sa bisyo, karahasan, at iba pang uri ng kriminalidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








