Isang masayang cooking contest ang isinagawa sa Urdaneta City bilang pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, kung saan ang main ingredient na ginamit ay itlog.
Sa pangunguna ng City Health Office, matagumpay na naisagawa ang cooking contest sa Cutural & Sports Complex noong nakaraang July 30, 2026.
Nilahukan ito ng iba’t ibang departamento ng City Government ng Urdaneta na nagsipaghanda ng mga pagkain na may sahog na itlog gaya ng Egg Omelette with Tofu, Egg loaf, at marami pang iba.
Maliban sa cooking contest ay nagkaroon rin ng ilang dance number na siyang mas nagbigay saya sa naturang programa.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay patunay lamang na kapag may pagkakaisa ay patuloy na mas maipalalaganap ang tamang nutrisyon sa pamamagitan ng paghahanda ng mga masusustansiyang pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







