INDUSTRIYA NG GATASANG KALABAW, SA DINGRAS, ILOCOS NORTE, LALO PANG PINALALAGO

Isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagpapaunlad ng industriya ng paggagatas ng kalabaw ang isinagawa matapos ipagkatiwala ng Department of Agriculture–Philippine Carabao Center (DA-PCC) at Mariano Marcos State University (MMSU) ang 25 gatasang kalabaw sa Ka-saka Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) noong July 24, 2026.

‎Ang 25 benepisyaryong miyembro ng samahan ay inaasahang magkakaroon ng dagdag na pinagkakakitaan mula sa produksyon ng gatas ng kalabaw, kasabay ng kanilang umiiral na integrated farm na pinondohan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD Field Office 1.

‎Noong nakaraang taon, tumanggap ang samahan ng panimulang kapital na P500,000 para sa pagpapatupad ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan, kabilang ang pagtatanim ng gulay.

‎Bahagi rin ito ng mas malawak na programa upang palawakin ang buffalo-based livelihood sa bayan ng Dingras. Noong Abril 2026, tumanggap din ang Timpuyog de San Marcelino SLPA Inc. ng 29 na gatasang kalabaw mula sa DA-PCC.


‎Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga samahang pangkabuhayan, inaasahang mas mapapalakas ang produksyon ng gatas ng kalabaw, madaragdagan ang kita ng mga benepisyaryo, at higit pang maitatatag ang Dingras bilang sentro ng buffalo-based livelihood sa Rehiyon Uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments