Thursday, July 9, 2026

QCPD, naka-full alert sa posibleng hagupit ng Bagyong Inday

Isinailalim na sa full disaster readiness ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) para sa agarang pagresponde sa mga emergency ng mga mamamayan ng lungsod kaugnay ng posibleng hagupit ng Bagyong Inday.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pagsusuri ng QCPD sa kahandaan ng mga tauhan, sasakyan, rescue equipment, communication systems, at iba pang kagamitan na gagamitin sa kanilang deployment.

Babantayan din umano nila ang mga lugar na prone sa baha, evacuation centers, mga kalsada, terminal ng transportasyon, at iba pang kritikal na lokasyon para sa agarang pagbibigay ng tulong at makatugon sa anumang emergency; habang naka-standby naman ang disaster response team para sa agarang search and rescue operations, evacuation assistance, traffic management, law enforcement, at humanitarian response kung kakailangan.

Samantala, hinikayat naman ng QCPD ang mga residente ng lungsod na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa mga abiso at direktiba ng lgu, at iba pang kinauukulang ahensiya, at gawing prayoridad ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments