
Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang tatlong mosyon ni Senator Rodante Marcoleta na inihain para sa kasong graft, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng senador sa maanomalyang flood control project.
Kabilang dito ang motion to quash, motion to dismiss the case with prejudice, at motion to suspend proceedings.
Ayon sa Sandiganbayan 2nd Division, hindi umano pinagbigyan ang nasabing mga mosyon dahil sa kawalan umano nito ng merito, at wala rin umanong bagong ebidensya na naipresinta ang kampo ng akusado.
Dahil dito, wala umanong sapat na dahilan para baliktarin ang naunang desisyon ng hukuman sa nasabing mga mosyon.
Facebook Comments










