Nakibahagi ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Alaminos sa apat na araw na Public Employment Service Training na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa Bugallon, Pangasinan mula Hulyo 6 hanggang 9, 2026.
Pinangunahan ang partisipasyon ng PESO Alaminos ni CGDH1/PESO Manager Eleanor T. Bruno sa pamamagitan ni Administrative Aide III Rolyda B. Gatmen, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng tanggapan sa paghahatid ng mga serbisyong may kaugnayan sa trabaho at hanapbuhay.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga PESO Managers, kawani, at Job Placement Officers upang makapagbigay ng mas episyente, organisado, at de-kalidad na serbisyo sa mga naghahanap ng trabaho at iba pang kliyente ng PESO.
Pinangunahan ang programa ng DOLE Region 1 sa pamumuno ni Regional Director Honorina Dian-Baga. Dinaluhan ito ng mga bagong talagang PESO Managers, mga kawani ng PESO, at Job Placement Officers mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Rehiyon 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











