MATAGAL NA SULIRANING BAHA SA BARANGAY WAWA BAYAMBANG, NABIGYAN NA NG SOLUSYON

Nabigyang solusyon ang matagal nang problema sa pagbaha sa Purok 1, Brgy. Wawa Bayambang matapos makumpleto ang konstruksyon ng cross drainage na dinisenyo batay sa masusing pag-aaral ng mga engineer ng munisipyo.

‎‎
Ang disenyo at implementasyon nito ay isinagawa ng Municipal Engineering Office habang ang pondo ay nagmula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund (DRRM).

Bago naipatupad ang proyekto, dumaan muna ito sa masusing inspeksyon at teknikal na pagsusuri ng mga kinauukulang tanggapan, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC).

Iginiit naman ng mga opisyal na kahit na tapos na ang proyekto ay kailangan pa rin ang disiplina ng mga residente upang mapanatili ang bisa ng drainage system.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), ang naturang proyekto ang itinuturing na solusyon umano sa paulit-ulit na pagbaha sa lugar, dahil ito ang magbibigay ng maayos na daluyan ng tubig mula sa mga apektadong kabahayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments