Tuesday, July 21, 2026

š—£š—”š—•š—Øš—¬š—” š—£š—”š—„š—” š—¦š—” š— š—”š—žš—”š—žš—”š—£š—”š—šš—§š—Øš—„š—¢ š—¦š—” š—¦š—Øš—¦š—£š—˜š—ž š—¦š—” š—£š—”š— š—”š— š—”š—„š—œš—Ÿ š—¦š—” š—œš—¦š—”š—”š—š š—•š—„š—šš—¬. š—¢š—™š—™š—œš—–š—œš—”š—Ÿ, š—œš—•š—œš—•š—œš—šš—”š—¬ š—”š—š š—Ÿš—šš—Ø š—˜š—–š—›š—”š—šš—Øš—˜

Cauayan City – Nag-alok ng ₱50,000 pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng Echague sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na makatutulong sa paglutas ng pamamaslang sa isang opisyal ng Barangay Malibago.

Ayon sa LGU, kabilang sa hinihiling na impormasyon ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nakuhanan ng CCTV, na bahagi ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Matatandaang isang 66-anyos na kinilalang si Lito Publico ang pinagbabaril kahapon sa Brgy. Malibago, Echague.

Hinikayat din ang publiko na makipagtulungan at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung may anumang impormasyong may kaugnayan sa kaso. Tiniyak naman na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng sinumang magbibigay ng impormasyon.

Binigyang-diin ng LGU na layunin ng panawagang ito na matukoy ang buong katotohanan at makamit ang hustisya para sa biktima at sa kanyang pamilya.

Nilinaw din ng mga awtoridad na ang mga indibidwal na nasa CCTV footage ay bahagi lamang ng isinasagawang imbestigasyon at hindi dapat ituring na may sala o responsable sa krimen hangga’t wala pang pinal na desisyon ng korte.

Facebook Comments