Monday, August 3, 2026

Defense counsel Atty. Michael Poa, nilinaw ang dahilan ng pag-object kay Atty. Lorna Capunan sa pagbanggit sa mga pangalan na nasa acknowledgement receipt na ipinresenta ng prosekusyon

Nilinaw ni defense counsel Atty. Michael Poa na ang pag-object nito sa naging biro ni Atty. Lorna Kapunan sa pangalang “Andy Lim” ay dahil ang dating sa kanya ay nabibigyan ng kulay ang nasabing pangalan.

Matatandaan na pinakita ang acknowledgment receipt na may pangalang “Andy Lim” na pinaniniwalaang naging benipesyaryo ng umano’y confidential funds.

Ayon kay Poa, hindi naman nya gustong mag-object kung hindi kinakailangan.

Nabatid na sinabi naman ni Capunan na binabasa lang naman nya ang nasabing pangalan kung paano ito isinulat.

Hindi lamang Andy Lim ang mga pangalang nabanggit sa naganap na session kanina kasama rito ang mga pangalang Mary Grace Piattos, Patty Ting, Alejandro Pikit, at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Poa na nirerespeto nito si Capunan at ayon pa sa kanya ay maging maganda naman ang naging session ngayong araw.

Facebook Comments