MAHIGIT P625K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA POZORRUBIO, PANGASINAN

‎Arestado ang isang 51 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng mahigit 92 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P625,600 sa isinagawang buy-bust operation sa Bayan ng Pozorrubio, Pangasinan noong Agosto 5, 2026.

‎Ang suspek ay isang 51 anyos na residente ng Laoac, Pangasinan.

‎Nasamsam sa operasyon ang isang nakataling plastic sachet at tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 92 gramo ng hinihinalang shabu. Narekober din ang marked money, boodle money, cash, isang cellphone, at isang motorsiklo.

‎Dinala ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Pozorrubio Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

‎Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments