TRANSWOMAN BEAUTY QUEEN MULA UMINGAN, PASOK SA GRAND FINALS NG ISANG NOONTIME SHOW

‎‎Hindi lang basta Talakera, kundi taglay ang beauty and grace ng isang totoong reyna – ‘Yan ang ipinakita ni ML Tucay, isang transwoman beauty queen mula sa bayan ng Umingan.

‎Tinanghal si ML bilang Miss Q&A Reyna Talakera Weekly Winner nitong nakaraang Hunyo sa programang ”It’s Showtime” matapos matapos ipakita ang kaniyang beauty and wit sa isang mahigpit na laban at ngayon ay napabilang na sa mga kandidatang lalaban sa Grand Finals.

‎Matapos ang kaniyang pagkapanalo ay masayang bumisita si ML sa kaniyang hometown sa bayan ng Umingan upang mag courtesy visit sa tanggapan ng lokal na pamahalaan gayundin sa provincial office.

‎Pinasalamatan ni ML ang kaniyang mga naging taga-suporta at patuloy na taas noong irerepresenta ang bayan ng Umingan at buong Pangasinan sa darating na Grand Finals ng naturang patimpalak.

‎Suot ang korona, patuloy na nagiging inspirasyon si ML sa mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community na patuloy na tumindig para sa pangarap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments