Thursday, August 6, 2026

Mahigit 80 libong indibidwal, napaulat na naapektuhan ng pinagsamang puwersa ng Bagyong Luis, Maymay at habagat – NDRRMC

Umabot sa kabuuang 80,633 indibidwal, o katumbas ng 23,946 na pamilya, ang napaulat na naapektuhan ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at southwest monsoon o habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga napaulat na naapektuhang populasyon ay mula sa Region I, Region II, Region III, Region V, Region IX, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa NDRRMC, mahigit 2,000 pamilya, o katumbas ng halos 7,000 indibidwal, ang nananatiling nasa loob ng 39 evacuation centers sa bansa.

Aabot naman sa 83 lugar ang naitalang binaha sa Region I, Region III, Region IX, at BARMM.

Samantala, nasa ₱1.3 million na ang halaga ng naipamahaging assistance sa mga naapektuhan ng mga bagyo at habagat.

Facebook Comments