Monday, August 10, 2026

PRA, binantaan umano ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano — Sen. Ping Lacson

Isiniwalat ni Senator Ping Lacson na binantaan at pinressure ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang Philippine Reclamation Authority (PRA) noong nakaraang taon kaya natigil ang naunang imbestigasyon sa reclamation sa Laguna Lake na sakop ng lungsod ng Taguig.

Batay aniya sa impormasyong ibinahagi ng mga opisyal ng PRA, budget deliberation noong November 2025 ng Office of the President (OP) kung saan ipinatawag sila ni Cayetano sa kanyang tanggapan at nagbantang ipasususpindi ang deliberasyon sa budget ng OP.

Dahil na-pressure ang mga ito, hindi na lamang sila kumibo dahilan kaya naantala ang imbestigasyon.

Sinabi ni Lacson na ngayon ay masigasig ang PRA na maimbestigahan ang umano’y iligal na reclaim sa lupa ng Taguig na posibleng maka-generate ng kita oras na mabawi ito pabor sa gobyerno.

Naunang sinabi ni Lacson na ilang taon nang ipinapakitang flood control at mitigation projects ng mga Cayetano ang reclamation operations sa bahagi ng Laguna Lake.

Gayunman, kahit sinasabi ni Cayetano na ang ni-reclaim ay “government property”, kailangan pa ring kumuha ng mga permit at dokumento ang Taguig mula sa PRA, Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) bago magsagawa ng reclamation work.

Facebook Comments