Isinagawa ang operasyon noong Agosto 11, sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.
Ayon sa police report, nasamsam mula sa dalawang suspek ang dalawang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng kabuuang 4.8 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱32,640 batay sa standard drug price na ginamit ng mga awtoridad.
Ang dalawang suspek ay kapwa nasa hustong gulang at kasalukuyang residente ng San Carlos City.
Isa ay 35-anyos at tubong Quezon City, habang ang isa ay 37-anyos at tubong Bayambang, Pangasinan.
Bukod sa hinihinalang droga, narekober din ng mga awtoridad ang mga perang ginamit at iba pang personal na gamit.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








