MAHIGIT 200 SENIOR CITIZENS SA ALAMINOS, NAKATANGGAP NG CASH BENEFITS SA EXPANDED CENTENARIANS ACT

Mahigit 200 kwalipikadong senior citizens ang nakatanggap ng cash benefits sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act, sa isang seremonyang ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang isang 100-anyos na centenarian na tumanggap ng ₱100,000 mula sa pambansang pamahalaan bilang pagkilala sa kanyang kahanga-hangang mahabang buhay.
Bukod dito, ipinagkaloob din ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang karagdagang ₱20,000 para sa naturang centenarian, sa pamamagitan ng inisyatiba ni City Mayor Arth Bryan Celeste.
Ang karagdagang insentibo ay ibinigay bukod pa sa mga benepisyong nakapaloob sa mga batas na kumikilala at nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga Filipino centenarians.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ni Mayor Arth Bryan Celeste, bahagi ito ng patuloy nitong programa upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga senior citizens at mabigyan sila ng nararapat na pagkilala sa kanilang naging ambag sa komunidad.
Paalala rin ng mga opisyal na patuloy ang pagtanggap ng aplikasyon sa ilalim ng Expanded Centenarians Act. Maaaring magsumite ng aplikasyon anim na buwan bago ang ika-80, 85, 90, 95 at 100 kaarawan ng kwalipikadong senior citizen.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Office o CSWD, na matatagpuan sa Old Legislative Building sa People’s Park. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments