Pinagsasaluhan ng mga residente ang mainit at masarap na pagkaing dala ng SK bilang pampainit sa malamig na panahon, lalo na ngayong nakararanas ng pag ulan.
Nagsimula ang programa noong Agosto 3, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan (BNK) 2026. Layunin nitong makatulong sa mga nangangailangan at maipakita ang dedikasyon ng mga kabataan sa paglilingkod sa komunidad.
Bagama’t hindi rin sila ligtas sa epekto ng masamang panahon ay hindi nila ito alintana at patuloy pa ring naghahatid ng pagkain sa kanilang mga kabarangay kaya ang bawat ngiti ay nagsisilbing sukli sa pagod ng mga kabataang patuloy na naglilingkod.
Sa pamamagitan ng Kariton Hot Meals, nais ng SK Carael na ipakita na ang mga kabataan ay may mahalagang papel sa pagtulong, paglilingkod, at pagbibigay ng pag-asa sa kanilang kapwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







