
Umabot na sa 752,000 na mga indibidwal o katumbas ng 223 thousand na mga pamilya ang naiulat na naapektuhan ng bagyong Luis, Maymay at ng Southwest Moonsoon o ng Hanging Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang nasabing apektadong populasyon ay mula sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera, MIMAROPA at CALABARZON.
Kaugnay nito nasa 34,400 katao o 10,000 pamilya naman ang kasalukuyang nasa mahigit 400 na mga itinalagang evacuation centers sa bansa.
Nananatili naman sa walo ang napaulat na nasawi, habang siyam ang sugatan at isa ang nawawala.
Samantala nasa 300 kabahayan ang naiulat na nasira, habang umabot na sa 1.12 billion pesos ang pinsala sa imprastraktura.
Nasa 33.94 milyong pisong halaga naman ng assistance na ang naipamahagi sa mga naapektuhan ng nasabing habagat at mga bagyo.










