Saturday, August 8, 2026

‎HALOS WALONG ORAS NA SUNOG, TUMUPOK SA PAGAWAAN NG KANDILA SA MANAOAG

‎Kitang-kita na ang iniwan ng malaking sunog dito sa pagawaan ng kandila sa Barangay Pao, Manaoag, Pangasinan, kung saan natupok ang malaking bahagi ng pasilidad matapos ang halos walong oras na firefighting operations.

‎Isa sa mga huling tinutukan ng mga bumbero ang dalawang palapag na bahagi ng establisimyento dahil dito sila pinaka-nahirapang tuluyang maapula ang apoy.

‎Ayon sa mga responder, malaking hamon ang napakaraming wax sa loob ng pagawaan na paulit-ulit na nagpapaliyab sa ilang bahagi ng gusali.

‎Mula alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy, halos alas-11 na ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.

‎Nakatulong din ang pag-ulan kanina para mapabilis ang pagpapahupa sa sunog na ilang oras ding umabot sa ikaapat na alarma.

‎Ayon sa may-ari ng pagawaan, ginising umano sila ng isa nilang manggagawa na unang nakapansin sa insidente.


‎Isinalaysay naman ng isang kagawad ng Barangay Pao na bandang alas-2 ng madaling araw ay naiparating sa kanya ang insidente.


‎Sa panayam ng IFM News Dagupan kanina, sinabi ni Mayor Jeremy Agerico Rosario na nagsisilbing paalala ang insidenteng ito na hindi nawawala ang panganib ng sunog kahit panahon ng tag-ulan.


‎Wala namang naiulat na nadamay o nasugatan sa kasagsagan ng insidente.

‎Patuloy namang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments