Monday, May 11, 2026

Fuel inventory ng bansa, bahagyang bumaba

Inamin ng Department of Energy (DOE) na bahagyang bumaba ang fuel inventory ng bansa sa 50.70 na araw.

Ito ay as of May 8 , mula sa 53.71 na araw nitong Mayo 1, 2026.

Ayon sa DOE, batay sa kanilang pinakahuling data, ang supply ng gasolina ng bansa ay tatagal ng 53 araw.

Ang diesel naman ay 48 days, at ang kerosene at 165 araw.

Habang ang Jet fuel inventory ay hanggang 73 araw, at ang fuel oil ay 56 araw.

Ang liquefied petroleum gas (LPG) supply naman ay 35 araw.

Tiniyak naman ng DOE na nananatiling sapat ang supply ng langis sa bansa bagamat bahagyang bumaba ang inventory.

Facebook Comments