Wednesday, May 6, 2026

Average inflation ng bansa ngayong taon at sa 2027, posibleng mahigit sa 3 percent target — BSP

Posibleng pumalo sa mahigit 4 percent ang average inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa sa kabuuan ng 2026 at 2027.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay matapos maitala sa 7.2 percent ang inflation nitong Abril.

Mas mataas ito kumpara sa kanilang pagtaya na 5.6 hanggang 6.4 percent na dulot ng global oil price shock.

Sabi ng BSP, epekto rin ito ng mas mataas na transport related costs dahil sa pagsipa ng presyo ng petrolyo na nagresulta rin sa pagmahal ng ilang pangunahing bilihin kabilang na ang bigas.

Bunsod nito, inaasahang tataas pa ang inflation dahil sa nagpapatuloy na yensiyon sa Middle East na nagresulta sa pagsipa ng langis at ng fertilizer o abono sa mga nakalipas na buwan.

Ibig sabihin anila, mukhang malabo nang maabot ang 3 percent target inflation pero gagawin daw nila ang lahat para mapavava ito at mapanatili ang price stability.

Facebook Comments