Wednesday, May 6, 2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔!

Cauayan City – Aprubado na ang pagbabago ng ilang voting centers sa Cauayan City ayon sa inilabas na abiso ng Commission on Elections Cauayan City.

Sa nabanggit na pagbabago, mas inilapit na ang mga voting centers sa limang barangay sa lungsod upang mas madali na itong mapuntahan ng mga botante tuwing panahon ng eleksyon.

Kabilang sa mga nabagong voting centers ay ang Brgy. Nagcampegan na kung dati ay sa Mabantad North Elementary School ngayon ay sa Nagcampegan Community Center na.

Sa Andarayan Community Center na rin ang voting center ng Brgy. Andayaran, ang Brgy. Baringin Norte ay sa kanila na ring barangay hall, Cassap Fuera Elementary School naman sa Brgy. Cassap Fuera, habang sa Gagabutan Elementary School naman sa Brgy. Gagabutan.

Ngayong nasa mismong barangay na ang voting centers sa mga nabanggit na lugar, mas accessible na ito para sa mga botante at hindi na nila kinakailangang pumunta pa sa ibang barangay para lamang makaboto.

Ang hakbang na ito ng COMELEC Cauayan City ay bahagi rin ng papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Facebook Comments