SKATE CLINIC SA PUBLIC SKATE PARK SA BONUAN, DAGUPAN CITY, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang unang araw ng Skate Clinic sa Dagupan City kahapon, Mayo 1, 2026 kung saan masayang natutong mag-skateboarding ang mga kabataan sa kauna-unahang public skate park sa Pangasinan na matatagpuan sa Bonuan Tondaligan Ferdinand Blue Beach.

Agaw-eksena ang mga “little skaters” na buong enerhiyang sumabak sa aktibidad, tampok ang kanilang determinasyon na matuto ng bagong kasanayan habang nag-eenjoy.

Binigyang-diin naman ng mga organizers ang kahalagahan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng kumpletong protective gear tulad ng helmet, arm pads, at knee pads bago sumabak sa skateboarding.

Malaki rin ang naging papel ng mga volunteer na instruktor na matiyagang nagturo at gumabay sa mga bata sa kanilang unang karanasan sa skate park.

Patuloy pa ang mga aktibidad ng DagVibe Skate Clinic na naglalayong hikayatin ang kabataan sa aktibong pamumuhay at pagtuklas ng kanilang talento sa larangan ng skateboarding. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments