Umabot sa 1,943 Senior Citizens sa San Fabian ang nakatanggap ng tig-₱3,000 bilang pamamahagi ng Social Pension para sa mga indigent senior citizens sa unang kwarter ng taon, sa magkasunod na araw simula noong Abril 28.
Sa unang araw, 24 na barangay ang nabigyan ng ayuda, habang 10 barangay naman ang saklaw sa ikalawang araw ng payout.
Ang programa ay bahagi ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang iba’t ibang ahensya at grupo tulad ng OSCA, BASCA Presidents, MSWDO staff, Regional Social Pension Unit Monitoring Team, at LGU Treasury Office na nagsilbing paymaster.
Ayon sa Office of the Senior Citizens Association, maaari pang makuha ng mga kaanak ang benepisyo ng isang pensioner na pumanaw mula Enero hanggang Marso, basta’t makapagpakita ng mga kinakailangang dokumento tulad ng death certificate, valid ID, liability form, at patunay bilang kinatawan.
Patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at serbisyo para sa kapakanan ng mga nakatatanda sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










