𝗦𝗘𝗔𝗙𝗔𝗥𝗘𝗥, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Arestado ang 39 anyos na seafarer kinilala bilang si Gerald Felas matapos mambanta gamit ang baril habang nakikilamay sa Brgy. Lucap, Alaminos City.

Napag-alaman na nanalo umano sa card game na ‘lucky 9’ ang suspek at nang uuwi na sana ito ay pinigilan siyang umalis. Ito ang nag-udyok na bunutin at ikasa ang baril na nasa baywang ng may-ari na si Michael Macalinao.

Walang maipresentang Permit to Carry at License to Own and Possess Firearm si Felas. Dahil dito ay isinuko ni Macalinao ang naturang armas, pitong piraso ng live ammunitions, maging ang kaukulang papeles para mang-angkin nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments