LIBO-LIBONG ALAGANG HAYOP SA 33 BARANGAY SA SAN NICOLAS, BAKUNADO NA NG ANTI-RABIES VACCINE

Bakunado na ang tinatayang libo-libong alagang hayop ng mga pet owners mula sa 33 barangay ng San Nicolas sa pakikiisa ng mga ito sa isinagawang Anti-Rabies Vaccination Program.

Umabot sa 6,526 alagang hayop ang nabakunahan mula March 16 hanggang April 30, 2026.

Sa datos ng Municipal Agriculture Office, kabilang sa mga nabakunahan ang 4,831 aso at 1,695 pusa, habang 2,670 pet owners ang direktang nakinabang sa libreng serbisyo ng pamahalaang bayan.

Pinangunahan ng Poblacion East ang may pinakamataas na bilang ng nabakunahang alagang hayop na umabot sa 706, sinundan ng Cacabugaoan na may 435 at Siblot na may 368.

Naging mahalaga naman ang aktibong pakikipag-ugnayan sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office katuwang ang lokal na pamahalaan upang mahikayat ang mga pet owners na dalhin at pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa laban sa rabies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments