MGA ATLETA NG UMINGAN, PASOK SA PALARONG PAMBANSA 2026 MATAPOS MAG-GOLD SA R1AA

Nag-uwi ng karangalan ang mga atleta mula sa Umingan National High School matapos magwagi sa katatapos lamang na Region 1 Athletic Association o R1AA sa Candon City.

Dahil sa kanilang husay at dedikasyon, nakamit ng mga atletang Uminganian ang gintong medalya at opisyal ng kakatawan sa rehiyon sa Palarong Pambansa 2026 na gaganapin sa Agusan del Sur.

Bilang pagkilala sa kanilang tagumpay at sakripisyo, nagkaloob naman ng cash incentives at allowances ang LGU Umingan upang makatulong sa kanilang paghahanda para sa national competition.

Patuloy namang ipinapakita ng mga atletang ito ang galing at pusong Uminganian habang dala-dala nila ang karangalan ng kanilang bayan sa mas malaking entablado ng palakasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments