Ito ay matapos maglabas ng opisyal na abiso ang Dagupan Electric Corporation (DECORP) para sa kanilang serye ng scheduled maintenance sa linggong ito.
Ayon sa pamunuan ng DECORP, magsisimula ang power interruption bukas ng umaga 9:00 AM hanggang 2:00 PM.
Inihayag ng kooperatiba na ang pangunahing layunin ng maintenance work na ito ay upang ilipat at palitan ang mga secondary poles sa nabanggit na lugar, bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng kanilang linya ng distribusyon.
Pinapayo naman sa mga apektadong residente na maging handa at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat, partikular na sa pag-charge ng mga gadgets at pag-antabay sa mas maagang pagtatapos ng switching operations kung sakaling mapabilis ang pagsasaayos sa field. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








