Tuesday, May 19, 2026

DOLE CLPEP, NAGSAGAWA NG PROFILING SA BRGY. PANGPANG, SAN CARLOS CITYUPANG SUGPUIN ANG CHILD LABOR

Isinagawa ang profiling activity sa ilalim ng DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program o (CLPEP) sa Brgy. Pangpang, San Carlos City, Pangasinan.

Ang nasabing aktibidad ay upang matukoy at matulungan ang mga batang sangkot sa pananamantala, kabilang ang isang menor de edad na nakikibahagi sa paggawa ng bahay kubo.

Sa pamamagitan ng programa, isinusulong ang pag-alis ng mga bata sa mapanganib na trabaho at pagbibigay ng suporta tulad ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at kabuhayan para sa kanilang pamilya.

Kasabay nito, binuo rin ang samahan ng mga lokal na manggagawa na pinangalanang “Brgy. Pangpang D’ Original Bahay Kubo Makers,” kung saan naghalal sila ng kanilang mga opisyal upang mapalakas ang organisasyon.

Layunin ng inisyatibong ito na mapatatag ang pagkakaisa ng komunidad, mapalawak ang oportunidad sa kabuhayan, at matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga bata laban sa pagsasamantala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments