
ECHAGUE, ISABELA-Ipinasara ng Business Permits and LicensingOffice (BPLO) ng Echague ang 18 boarding housesa Barangay San Fabian matapos makatuklasang walang business permit ang mga ito.
Binigyan ng pamahalaang lokal ang mga may-ari ng boarding house hanggang Lunes upang asikasuhin at kumpletuhin ang mga kinakailangang permit at dokumento upang maging legal ang kanilang operasyon.
Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan na tuluyan nang ipasasara at ipababakante ang mga establisimyento sakaling hindi makasunod ang mga may-ari sa itinakdang palugit.
Ayon sa layunin ng pagpapatupad ng business permit, mahalagang matiyak na sumusunod ang mga establisimyento sa umiiral na mga pamantayan at regulasyon ng pamahalaan, kabilang ang mga kinakailangang inspeksyon upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasilidad.
Sa pamamagitan nito, layunin ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang seguridad, kaligtasan at kapakanan ng mga taong naninirahan at gumagamit ng mga naturang establisimyento.










