
Nakauwi na ng bansa ang huling apat na Pilipinong tripulante ng MT Aqua 1 na sakay ng barkong tinamaan ng missile malapit sa Ras Laffan Industrial Hub sa Qatar noong Abril 1, 2026.
Sila ay kabilang sa 21 Filipino seafarers na sakay ng naturang Panama-flagged oil/product tanker.
Ang unang dalawang batch ng Pinoy crew members ay magkasunod na dumating ng bansa nitong Abril.
Sila ay pawang ligtas sa kabila ng pagtama ng missile sa kanilang barko.
Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy ang kanilang pag-monitor sa iba pang mga tripulanteng Filipino na lulan ng mga barkong naiwan pa sa Persian Gulf matapos itong magsara.
Facebook Comments










