
Pinasinungalingang ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na proyekto niya ang People’s Ville Housing Project sa Davao City noong siya ay alkalde pa ng lungsod.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang People’s Ville ay bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng administrasyong Marcos.
Ipinakita ni Castro ang mga dokumentong naglalaman ng timeline ng proyekto.
Giit ng Palasyo, ang People’s Ville ay pinagplanuhan at isinakatuparan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi dapat angkinin ng iba ang proyekto lalo na ang mga walang naging ambag sa pagpapatupad nito.
Sa ngayon, mahigit 2,600 housing units na ang natapos sa People’s Ville sa Barangay Riverside, Calinan District.
Apat na gusali na may kabuuang 400 units naman ang kasalukuyang ginagawa.










