
Hindi iisang solusyon ang kailangan para mabawasan ang pagbaha sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magkakaiba ang problema sa bawat lugar kaya kailangan ding ibatay sa kondisyon at terrain ng mga ito ang mga flood control project ng pamahalaan.
Inihalimbawa ng Pangulo ang Cordillera Administrative Region, kung saan mas mahirap aniya ang flood control dahil sa mabundok na terrain.
Tiniyak naman ng Pangulo na pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga hakbang na maaaring gawin sa bawat lugar, gamit ang mga pag-aaral na magsisilbing batayan sa pagbuo ng flood control strategies.
Kasabay nito, ipagpapatuloy din ang dredging at pagpapaandar ng mga flood control facility na matagal nang hindi nagagamit bilang bahagi ng mas malawak na hakbang laban sa pagbaha.










