Monday, August 10, 2026

Bilang ng mga naiulat na nasawi dulot ng hanging habagat at mga bagyo, umabot na sa 13 —NDRRMC

Umabot na sa 13 ang naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Luis, Maymay at ng Southwest Moonsoon o ng Hanging Habagat ayon ito sa pinakahuling tala ngayong hapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa nasabing bilang pito ang nasawi dulot ng landslide o pagguho ng lupa mula sa Benguet; tatlo naman ang nasawi sa Rizal dulot ng rockslide at pagbagsak ng puno; at tatlong indibidwal ang nasawi sa Batangas dahil sa pagkakalunod, pagkakakuryente, at sa landslide.

Samantala, 14 naman na indibidwal ang naitalang sugatan dahil sa pagguho ng lupa, aksidente sa sasakyan, at malakas na pag-agos ng tubig.

Habang siyam naman ang naiulat ng NDRRMC na nawawala kung saan ang pito rito ay mula sa Baguio at isa sa Atok, Benguet dahil sa landslide at isa naman ang naiulat na nawawala sa Batangas.

Facebook Comments