Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Health Office sa tulong ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagpapalakas ng maternal health program ng bayan.
Sa naturang programa, sumailalim ang mga kalahok sa health education at konsultasyon upang mapalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa wastong pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis at paghahanda para sa ligtas na panganganak.
Bukod sa mga serbisyong medikal, tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng buntis kits na magsisilbing dagdag na suporta para sa kanilang kalusugan at ng kanilang dinadalang sanggol.
Patuloy naman hinihikayat ng Municipal Health Office ang mga buntis sa bayan na makiisa sa mga programang pangkalusugan upang masiguro ang maayos at malusog na pagbubuntis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





