Pinangunahan nina Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan at OIC-Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector Engr. Reyne B. Ugay ang pagbisita sa proyekto bilang bahagi ng regular na monitoring at evaluation ng ahensiya.
Sa isinagawang inspeksiyon, binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon ng lahat ng katuwang sa proyekto upang matiyak na matatapos ito sa itinakdang panahon at naaayon sa itinakdang pamantayan ng kalidad.
Ayon sa NIA, layunin ng patuloy na inspeksiyon at monitoring sa mga proyektong pang-irigasyon na matiyak ang maaasahang serbisyo sa mga magsasaka at mga Irrigators’ Association, kasabay ng pagpapalakas ng suplay ng tubig na kailangan sa produksyon ng agrikultura sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








