
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi mahalaga ang opinyon ng pangulo sa impeachment proceeding.
Sa kanyang inilabas na statement, sinabi ni VP Sara na ang Impeachment proceedings ay dapat naaayon sa Constitution at due process.
Ayon pa kay VP Sara, ang respondent sa impeachment case ay may karapatan na i-represent ng kanyang mga abogado.
At ang desisyon naman kung siya ay personal na haharap sa trial ay naka-depende sa legal strategy at sa constitutional rights.
Habang ang pasanin aniya para patunayan ang kaso ay nasa prosekusyon.
Nilinaw din ni VP Sara na ang desisyon ng respondent na huwag mag-testify ng personal ay hindi nangangahulugan na walang transparency at hindi nakakabawas sa pananagutan.
Idinagdag pa ng pangalawang pangulo na ang integridad ng impeachment trial ay nakadepende sa pagtalima sa o rule of law at hindi sa personal na pagharap ng respondent.










