Monday, July 6, 2026

PNP, walang namo-monitor na anumang banta kaugnay ng impeachment trial ni VP Sara ngayong araw

Walang namo-monitor na anumang banta ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw sa Senado.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang pagsasagawa ng PNP ng threat assessment kung saan pinakikilos na rin ang mga intelligence units para tumiyak ng seguridad sa potensyal na mga banta.

Hindi naman pa nagtataas ng alert ang PNP at mananatili sa heightened alert ang kanilang status.

Ayon pa kay Nartatez, iiimplementa rin nila ang komprehensibong security plan sa buong proceedings.

Sa ngayon, nasa higit anim na libong pulis ang idineploy sa paligid ng Senado para tumiyak ng seguridad.

Sarado naman ang kahabaan ng JW Diokno ngayong araw bilang parte ng security measures sa gaganaping impeachment trial ngayong araw.

Facebook Comments