Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Natividad ng inspeksyon at calibration ng mga timbangan sa Public Market upang matiyak na tama at patas ang sukat na ginagamit sa pagbebenta.
Sa isinagawang inspeksyon, nakumpiska ang mga timbangan hindi pumasa sa itinakdang pamantayan at kulang o sobra sa dapat na guhit.
Layunin ng naturang aktibidad na maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili at mga tindero, gayundin ang pagpapanatili ng patas at tapat na kalakalan sa loob ng pampublikong pamilihan.
Isinagawa ang inspeksyon sa pakikipagtulungan ng Municipal Treasurer’s Office (MTO), Business Permits and Licensing Office (BPLO), at Market Supervisor’s Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








