TAMANG PAGBABAHAGI AT PAG-ACCESS SA IMPORMASYON NG PNP AT MEDIA, TINALAKAY SA ILALIM NG BAGONG NAPOLCOM RULES

‎Nagtipon ang mga hepe ng pulisya, information officers, at mga accredited media sa Pangasinan para sa isang seminar tungkol sa mga patakaran ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng media, kaligtasan ng mga mamamahayag, at tamang pag-access sa mga pampublikong impormasyon.

‎Ito ay ukol sa mga probisyon ng NAPOLCOM Resolution No. 2025-0472, na inilabas noong Hulyo 15, 2025 para gabayan ang ugnayan ng PNP at media.

‎Target din nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag at mapalakas ang kalayaan sa pamamahayag sa pampublikong impormasyon.

‎Bukod dito, ipinaliwanag din ang mga pangunahing probisyon ng Data Privacy Act of 2012 at Freedom of Information, kabilang ang tamang proseso ng paghingi ng pampublikong impormasyon at kung paano ito isinasagawa kasabay ng pagprotekta sa data privacy.

‎Ayon sa NAPOLCOM, ang naturang seminar ay layong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan ng mga kapulisan sa mga mamamahayag sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments