100K PABUYA ALOK PARA SA MAKAKAPAGTURO SA PUMATAY SA DATING PROFESSOR NG PSU

Magbibigay ng 100,000 pabuya ang pamilya ni Naomida Celi Olermo ang dating propesor ng Pangasinan State University na pinaslang mismo sa kaniyang tahanan sa Sitio Sawang Barangay Bambam, Infanta noong ika-8 ng Marso.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaaring dahilan ng pamamaslang sa biktima ay ang awayan sa lupa.
Sa inilabas na Pabatid Publiko ng Infanta Police Station, nanawagan ito na kung sino man ang may impormasyon ukol sa pagpatay kay Olermo ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang himpilan nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay.

Mananatili aniyang pribado ang impormasyong ibibigay sa pulisya para sa proteksyon ng mga makakapagturo sa gumawa ng krimen.
Maaari ring tumawag sa numero ng Infanta Police Station sa 09985985101. | ifmnews
Facebook Comments