Monday, August 3, 2026

Malacañang, ikinatuwa ang pagiging bukas ng Meralco sa usaping system loss

Welcome sa Malacañang ang pahayag ni Meralco Chairman at CEO Manny V. Pangilinan na bukas siyang pag-usapan ang pagtanggal ng system loss charges para mapababa ang bill ng kuryente.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ipinapakita lang nito na handa ang Meralco na makiisa sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pagaanin ang bayarin ng mga consumer.

Gayunman, sinabi ni Castro na kailangan munang pag-aralan ang epekto nito dahil may mga umiiral na batas, regulasyon, at sektor na maaaring maapektuhan.

Sa ngayon, nirerepaso na ng Department of Energy (DOE) ang mga regulasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC), mga kaugnay na batas, at iba pang polisiya upang makahanap ng paraan na mapababa ang singil sa kuryente.

Target ng pamahalaan na makabuo ng polisiya sa system loss na magbibigay-ginhawa sa mga consumer nang hindi naman makapipinsala sa mga investor at utility companies.

Facebook Comments