MAAGANG KOORDINASYON NG PNP AT COMELEC, SINIMULAN SA SAN FABIAN PARA SA BSKE 2026

Sinimulan na ng San Fabian Municipal Police Station at ng lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ang maagang koordinasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.

Ito ay matapos magsagawa ang dalawang ahensya ng coordination meeting noong Hulyo 27 sa opisina ng COMELEC sa Barangay Poblacion, San Fabian, Pangasinan.

Batay sa ulat ng pulisya, tinalakay sa pulong ang mga update, mga ipatutupad na seguridad, at mga plano sa koordinasyon sa mga susunod na buwan.

Nakatakdang idaos ang BSKE 2026 sa November 2, 2026, kung saan ihahalal ang mga Punong Barangay, pitong miyembro ng Sangguniang Barangay, at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa buong bansa.

Sa Pangasinan, iniulat ng COMELEC Pangasinan na umabot sa mahigit 124,000 ang mga bagong nagparehistro para sa BSKE 2026, na lumampas sa target na 100,000 ng komisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments