
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng mga representatives mula sa Meralco ang 3 indibidwal matapos ang umano’y pagmamanipula ng metro ng kuryente sa Brgy. Kabulusan, General Emilio Aguinaldo, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, ang nasabing mga suspek ay naaktuhang naglalagay ng isang resistor device sa electric meter na pagmamay-ari ng Meralco kung saan minamanipula nito ang recording mechanism ng nasabing metro at babawasan ang konsumo nito sa kuryente base sa gustong monthly electric bill ng magpapagawa .
Nag-ugat ang nasabing operasyon matapos ang reklamo mula sa Meralco na ang mga nasabing suspek ay nagooffer ng isang package deal na nasa 15 thousand pesos para isagawa ang electric meter tampering services na may kasamang device.
Dahil dito ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832, o ang “Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Nagbabala naman ang CIDG sa publiko na ang pagaalter ng meter circuitry ay maaring magdulot ng sunog , pagkasawi dahil sa pagkakakuryente at pagsabog ng lokal na grid.










