Ayon sa pamahalaang lokal, layunin ng inisyatiba na matulungan ang mga buntis na mapanatili ang wastong nutrisyon para sa kanilang sarili at sa kanilang dinadalang sanggol.
Kasabay nito, hinihikayat din ang mga benepisyaryo na magtanim ng mga punla upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pinagkukunan ng masustansyang pagkain at posibleng dagdag na kabuhayan.
Bahagi rin ng programa ang pagpapalaganap ng kamalayan sa wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan bilang mga hakbang upang maiwasan ang malnutrisyon at mapalakas ang katatagan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lokal ang mga hakbang na nag-uugnay sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at pangangalaga sa kapaligiran para sa kapakanan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







