1,057 goverment workers, nag-avail ng libreng sakay ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary

58

Abot sa 1,057 ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa railway lines ngayong araw kasabay ng selebrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary.

Bilang pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa, libre ang pagsakay ngayong araw sa mga tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2 (LRT-2) at Philippine National Railways.

Kaninang alas-9:0 ng umaga ay abot sa 661 na pasahero ng MRT-3, 292 sa LRT at 104 sa PNR ang nakinabang sa libreng sakay.


Sa MRT-3 at LRT-2, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga government worker mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 mamayang gabi.

Samantala, ang pagsakay sa tren ng PNR ay libre sa buong araw mula first hanggang last trip sa lahat ng operational routes nito at base sa bumibiyaheng train sets.

Facebook Comments