
CAUAYAN CITY – Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOE) Region 2 ang labindalawang (12) parolees at probationers sa lalawigan ng Quirino ng mahigit ₱200-K halaga ng livelihood assistance.
Bukod sa tulong pangkabuhayan, mayroon ding binigay na livelihood starter kits, at nagsagawa rin ang ahensya ng training patungkol sa marketing, entrepreneurship, occupational safety and health, values formation, at basic bookkeeping.
Ayon kay Ma. Cristina Vibar, Regional Officer-in-Charge ng DOJ-Parole and Probation Administration, ang ipinagkaloob na tulong ay hindi lamang simpleng ayuda, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pagbabago.
Binigyang-diin naman ni DOLE Quirino Officer-in-Charge Froctoso Agustin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya upang maging matagumpay ang mga programang pangkabuhayan.
Ang programa ay sa ilaim ng Integrated Livelihood Program (DILP) ng DOLE katuwang ang Quirino Parole and Probation Office (QPPO).
Dumalo naman sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DTI, TESDA, PESO, at lokal na pamahalaan bilang suporta sa adbokasiya ng rehabilitasyon at kabuhayang sapat para sa muling pagbabalik sa lipunan ng mga dating nasangkot sa krimen.