124 PDLs, BJMP AT CENRO, TINURUAN NG COMPOSTING AT FOOD WASTE MANAGEMENT NG EMB

Kabuuang 124 PDLs, tauhan ng BJMP at kinatawan ng CENRO Urdaneta ang tinuruan ng Environmental Management Bureau (EMB) Region I tungkol sa tamang composting at food waste management sa BJMP Urdaneta District Jail Male Dormitory noong July 14, 2026.

Nakatuon ang seminar sa wastong pamamahala ng food waste at waste segregation at source alinsunod sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Tinalakay ng EMB ang mga praktikal na paraan upang mabawasan ang food waste at maisulong ang sustainable waste management.

Itinuro rin sa mga kalahok ang sunod-sunod na proseso ng paggawa ng compost mula sa biodegradable waste.

Kabilang sa mga dumalo ang Persons Deprived of Liberty (PDLs), BJMP Urdaneta officials at personnel, at isang kinatawan mula sa CENRO Urdaneta.

Ayon sa DENR-EMB, tatget ng seminar na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang segregation, pagbabawas at pagproseso ng food waste bilang bahagi ng responsableng pamamahala ng basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments