SUSPEK NA NAG-AALOK NG P2,000 KAPALIT NG “PAGPAPADALI” NG TRANSAKSYON SA LTO ROSALES, HULI SA ENTRAPMENT

Arestado ang isang 42-anyos na lalaki matapos umanong tumanggap ng P2,000 mula sa dalawang kliyente kapalit ng pag-aalok na siya ang mag-asikaso ng kanilang vehicle registration at transfer of ownership sa LTO Rosales noong Agosto 25, 2026.

Kinilala ang suspek na isang 42-anyos na rice retailer at residente ng San Manuel, Pangasinan.

Batay sa police report, nilapitan ng suspek ang dalawang kliyente sa waiting area ng LTO Rosales sa Barangay Carmay East dakong alas-2:20 ng hapon.

Inalok umano niya ang mga ito na asikasuhin ang papeles ng kanilang bagong biling sasakyan at humingi ng P2,000 para sa naturang serbisyo.

Nang maiabot ang pera, agad itong inaresto ng LTO personnel sa isinagawang entrapment operation.

Rumesponde ang Rosales Police Station at dinala ang suspek sa himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa kasing paglabag sa Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act of 2007. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments