LGU ALAMINOS, LUMAGDA SA MOA PARA SA PROJECT R.E.S.H.O.R.E.

Lumagda ang Local Government Unit (LGU) ng Alaminos City at isang pribadong kumpanya sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad ng Project R.E.S.H.O.R.E. (Resilient Ecosystem and Sustainable Habitats through Organized Restoration Employment).

Ayon sa ulat, pagsasamahin nito ang pagbibigay ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran sa ilalim ng Gabay Kabuhayan Pillar ng MPIF, isang social safety net initiative na nakaayon sa DSWD Risk Resiliency Program Framework.

Magkakaroon ng Ecosystem-Based Adaptation kasabay ng mga hakbang para sa socio-economic protection, para suportahan ang kabuhayan ng mga residente habang isinasagawa ang restoration at pangangalaga sa mga ecosystem.

Kasabay ng paglagda sa MOA ang ceremonial turnover ng mga tools, equipment, safety at protective gears na gagamitin sa implementasyon ng proyekto.

Kabilang sa mga itinurn-over ang wheelbarrow, shovel, high branch cutter, cordless chainsaw, garbage bins, aqua shoes, sun protection hats, tumblers at uniforms.

Ang MOA ang magsisilbing batayan ng pagtutulungan ng LGU Alaminos at pribadong sektor sa pagpapatupad ng Project R.E.S.H.O.R.E.. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments