Ipinakilala ng Urdaneta City Police Station ang Project Urdaneta Emergency Button App sa mga guro at estudyante ng Anonas National High School noong Agosto 25, 2026.
Ayon sa pulisya, ang naturang app ay karagdagang tool para sa mas mabilis na paghingi ng police assistance sa oras ng emergency.
Ipinaliwanag sa mga estudyante ang features at kahalagahan ng application, na nagbibigay-daan sa agarang pagpapadala ng emergency SMS alert sa mga itinalagang tatanggap sa simpleng pagpindot ng isang button.
Sentro nito ang paggamit ng app bilang emergency response tool, partikular sa mga insidenteng nangangailangan ng agarang police assistance.
Hinimok ang mga guro at estudyante na maging pamilyar sa application at tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wastong paggamit nito sa school community.
Lumahok sa orientation ang Urdaneta City Police Station, teaching staff at mga estudyante ng Anonas National High School. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








